Pagiging independent office o agency ng PNP-IAS at PNP SOCO, isinusulong ni NAPOLCOM Vice Chair Vitaliano Aguirre

Isinusulong ni National Police Commission Vice Chairman Vitaliano Aguirre II na gawing independent office o agency ang Internal Affairs Service (IAS) at ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa opisyal, maiiwasan na maging under pressure ang dalawang units lalo na sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Aniya, ang PNP-IAS ang nag-iimbestiga sa mga pulis na may mga kinakaharap na kasong administratibo habang ang SOCO ay nakakaranas ng pressure gaya ng pulitika at maging sa leadership ng PNP.


Sinabi ni Aguirre, nakipag-ugnayan na sya sa mga retired crime scene investigator mula pa sa United States at ipinaliwanag sa kanya ang kahalagahan ng pagiging independent ng IAS at SOCO.

Samantala, tututukan din ni Aguirre ang pagpapabilis ng proseso ng mga pulis na may kasong administratibo ito ay dahil na rin may mga ilang mga police officers ang nahaharap sa kaso pero nakakatangap pa rin ng promosyon.

Facebook Comments