Pagiging kalihim ng DA, dapat bitiwan na ni PBBM

Hinikayat ni House Minority Leader and 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bitiwan na ang pagiging kalihim ng Department of Agriculture o DA.

Sa kanyang “contra-SONA” na inihayag sa plenaryo ng Kamara ay iminungkahi ni Libanan na mas mainam na ipaubaya ni PBBM ang DA sa sinuman na kanyang mapagkakatiwalaan at kwalipikado sa posisyon.

Giit ni Libanan, ito ay upang hindi mahati ang atensyon ni Pangulong Marcos at lubos niya itong maituon sa buong bansa at buong burukrasya.


Facebook Comments