Pagiging kalihim ng DA, hindi pa rin bibitawan ayon sa isang opisyal ng DA

Umaasa si Department of Agriculture (DA) Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban na hindi pa bibitawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pwesto bilang kalihim ng DA.

Sa Press Briefing sa Malacañang, sinabi ni Panganiban na maganda ang ginagawang trabaho ng pangulo sa kagawaran.

Ayon kay Panganiban, sa unang taon pa lamang ng pangulo sa posisyon ay marami nang pangunahing produkto ang nai-export na ng Pilipinas.


Ito ay Durian sa China, Mangga sa Australia at Avocado sa South Korea.

Una nang lumutang ang ulat na nakatakda umanong i-appoint ni Pangulong Marcos amg negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr., bilang permanenteng DA Secretary.

Pero ayon kay Panganiban na hanggang kahapon wala pang kumpirmasyon mula sa Malacañang kaugnay dito.

Facebook Comments