Pagiging kalihim ng DOH, inalok sa ilang kwalipikadong doktor – kongresista

Ibinunyag ni dating Department of Health (DOH) Secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin na ang posisyon bilang kalihim ng DOH ay inalok sa ilang mga doktor ngunit tinanggihan nila ang posisyon.

Ayon kay Garin, ang posisyon ng kalihim ng kalusugan ay inaalok na sa maraming mga kwalipikadong indibidwal ngunit ayaw nilang talikuran ang kanilang trabaho.

Dagdag pa ng kongresista, maraming kinokonsidera ang ilang mga doktor na inalok sa naturang posisyon kabilang na ang kanilang mga pamilya.


Sa ngayon, tumatayo bilang DOH Officer-in-Charge (OIC) si Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Samantala, suportado naman ni Garin ang pagtatalaga kay dating Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan bilang Undersecretary ng DOH.

Facebook Comments