Pagiging kalmado ng Pilipinas sa pagresolba sa isyu sa WPS, hindi nangangahulugang pagluhod sa China ayon kay PBBM

 

Kahit pa sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi gagamit ng dahas ang Pilipinas sa pagresolba sa isyu sa West Philippine Sea (WPS), nilinaw ng pangulo na hindi siya sang-ayon sa gingawang aksyon ng China sa teritoryo ng bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi dahil kalmado ang bansa sa paghawak sa sitwasyon ay papayagan na nito ang ginawang pananakit ng China sa mga sundalo ng Pilipinas.

Nananatili aniya ang paninidigan nito na ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo nito at hindi magpapatalo laban sa anumang makapangyarihang pwersa.


Ipinangako rin ni PBBM na ipagpapatuloy at gagawin ng pamahalaan ang lahat alinsunod sa international law, upang maipagtanggol ang maritime domain at soberaniya ng bansa.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng pangulo sa mga sundalo sa kanilang pagtatanggol sa ating teritoryo at at pagdedepensa sa bayan.

Facebook Comments