Pagiging kulelat ng mga Pilipinong mag-aaral sa creative thinking, pinabulaanan ng National Parents-Teachers Association

Pinabulaanan ng National Parents-Teachers Association (NPTA) Philippines ang ulat na isa ang Pilipinas sa mga bansang kulelat pagdating sa creative thinking ng mga mag-aaral.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni National PTA President Willy Rodriguez na pamumulitika lamang ang nasabing resulta mula sa Programme for International Student Assessment (PISA).

Dagdag pa ni Rodriguez na iba ang ginamit na wika ng PISA sa ibinigay nitong test sa mga mag-aaral.


“Ang pangyayari po diyan is pulitika lang po. ‘Yung paghina po na ating sinasabi eh dalawang taon pa lang po si VP Sara. Ang sabi nga po ni dating Usec. Diosdado San Antonio na ang ginamit po diyan ay ibang wika.”

Sa usapin naman ng pagpili sa bagong kalihim ng Department of Education, sinabi ni Rodriguez na dapat kumuha ang pamahalaan ng opisyal na may malawak na kaalaman sa edukasyon.

Kasabay nito, iginiit ni Rodriguez na kahit sinong umupo bilang kalihim ng DepEd ay mahihirapang solusyunan ang krisis sa edukasyon dahil patuloy na nadaragdagan ang mga mag-aaral sa bansa.

Facebook Comments