Pagiging kwalipikado ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa GCTA Law, kinuwestiyon ng kampo ni Robredo

Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang naging batayan ng Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay ng umano’y planong pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, ipinagtataka nila kung bakit naging kwalipikado sa ilalim ng Good Conduct and Time Allowance (GCTA) Law si Sanchez.

Kung tutuusin aniya, ilang beses nakuhanan ng shabu at mga kontrabando sa loob ng kanyang selda ang dating alkalde.


Nakakalungkot din aniya na may ilang preso na kwalipikado naman talaga sa GCTA ang nadadamay dahil sa isyu kay Sanchez.

Facebook Comments