Pagiging kwela ni Isko Moreno at dami ng followers sa YouTube ni Dr. Willie Ong, lamang ng dalawa sa pagtakbo sa darating na eleksiyon

Malaki ang magiging bentahe ng tambalang Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno at Dr. Willie Ong sa pagka-presidente at bise-presidente sa darating na 2022 national election.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Jean Franco, political analyst at professor mula sa University of the Philippines na makakatulong ang pagiging kwela ni Moreno at dami ng followers sa YouTube ni Ong upang maungusan ang iba pang kandidato.

Epektibo rin ang malaking turn-out ng registration sa mga kabataan para kay Moreno, dahil magiging selyado na ang pagtingin sa kaniya ng mga Pilipino


Bagama’t mas bata si Senator Manny Pacquiao na edad 42 kumpara kay Moreno na nasa 46 na, naniniwala si Franco na malaki ang magiging bentahe ng alkalde sa publiko.

Sa ngayon, nagdesisyon na si dating Bayan Muna party-list Representative Neri Colmenares na tumakbo sa pagka-senador sa darating na eleksiyon.

Habang panawagan ni dating Senator Antonio Trillanes IV kasama ang buong Magdalo group kay Vice President Leni Robredo, na magdesisyon na kung tatakbo sa pagkapangulo upang masagot na ang pangamba ng karamihan.

Facebook Comments