Manatiling sumunod sa mga umiiral na batas sa bansa.
Ito ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa pagdiriwang ngayong araw ng ika-159th birth anniversary ng bayaning si Gat Andres Bonifacio.
Sa mensahe ng pangulo, sinabi nito na hanggang sa ngayon ay patuloy na pinapahalagahan ng mga Pilipino ang kalayaang tinatamasa matapos ang mga sakripisyong ginawa para rito ng ating mga bayani kabilang na si Gat Andres Bonifacio.
Mahalaga sa ngayon ayon sa pangulo na maprotekahan ng bawat Pilipino ang kalayaang ito ng bansa laban sa mga banta ng pananakop.
Kaya panawagan ng pangulo sa mga Pilipino na maging mapagmahal sa bayan katulad ng ating mga bayani.
Ito aniya ay maipararamdam sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas sa bansa o pagiging law abiding citizen.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon nang mas maganda at mas malayang mga Pilipino sa hinaharap.
Ang pangulo ay dumadalo ngayon sa seremonya para sa selebrasyon ng ika-159 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio sa Monumento Circle.