Iginiit ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na legal at hindi bago sa system ang unprogrammed funds na nakalaan para sa mga emergency projects sakaling magkaroon ng sobrang kita ang gobyerno.
Diin ni Co, ang unprogrammed funds ay hindi obligasyon o kontrata at hindi rin parte ng national expenditure program o NEP.
Paliwanag ni Co, ang unprogrammed funds ay inilalabas lamang kapag may sertipikasyon ang Department of Budget and Management at ang Treasury na nagkaroon ng sobrang pondo ang gobyerno.
Pahayag ito ni Co bilang tugon sa inihaing petisyon sa Korte Suprema sa pangunguna ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na kumukuwestyon sa constitutionality ng idinagdag na unprogrammed funds sa 2024 national budget.
Ipinunto Rin ni Co na sa nakalipas na mahabang panahon ay hindi tinutulan ni Lagman ang pagkakaroon ng unprogrammed funds dahil ito ay isang lehitimong budget item.