Pagiging lehitimo ng lahat ng negosasyon para sa COVID-19 vaccine, tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez

Tiniyak ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, Jr. na lehitimo ang lahat ng negosasyon para sa COVID-19 vaccine.

Sa pagdinig ng Senado kahapon kaugnay sa plano ng pamahalaan sa pagbili at pagbabakuna ng COVID-19 vaccines, tiniyak ni Galvez na walang katiwalian dito alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Habang iginiit muli ng kalihim ang na mananatiling condfidential ang presyo ng bakuna alinsunod naman sa non-disclosure agreement sa pharmaceuticals companies.


Maaari namang makompromiso ang negosasyon sa lahat ng bakuna kung isasapubliko ang halaga nito.

Sinabi pa ni Galvez na ayaw nilang mangyari sa Pilipinas ang naganap sa Malaysia at Europe kung saan nabulgar ang presyo ng COVID-19 vaccine kaya nakompromiso ang negosasyon.

Facebook Comments