Kaligtasan ang pangunahing ikinukunsidera ng mga Pilipino sa pagdedesisyon kung dapat ba silang magpapaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ang naging resulta ng isinagawang survey ng Radio Veritas mula sa 1,200 na respondents.
Mayorya o 67% dito ang nagsabing pipiliin nila ang ligtas na bakuna; 17% ang nakatuon sa efficacy rate at 8% naman sa bansang pinagmulan ng bakuna.
Habang 6% ang bumase sa testimonya ng mga unang nabakunahan at 2% sa purpose of use ng bakuna.
Lumabas din sa survey na karamihan sa mga Pilipino ay umaasang libre ang gagawing pamamahagi ng COVID-19 vaccine.
Facebook Comments