MANILA – Kinuwestyon ni up Professor at Clinical Epidemiologist Dr. Antonio Dans ang pagiging ligtas ng dengue vaccine na ibinigay at ibibigay pa ng Dept. of Health sa mga Grade 4 students ng piling rehiyon sa bansa.Ayon kay Dans, bakit hinintay ng DOH ang rekomendasyon ng strategic advisory group of experts o sage ng World Health Organization… o yung itinakda ng WHO na mag-aral sa nasabing bakuna kung ligtas ba ito o hindi.Dagdag pa ni Dans, dapat hintayin ng DOh ang resulta ng pag-aaral ng dengue working group sa posibleng maging side effects nito.Masyado rin aniya itong mahal sa halagang P3.5 Billion na ibibigay sa isang milyong estudyante.Pero nanindigan ang DOH na ligtas ang naturang bakuna.Sa katunayan ayon kay Health Sec. Janette Garin, may mga pag-aaral na nagsasabing protektado ang 9 hanggang 45 anyos na mababakunahan nito sa malalang kaso ng dengue sa loob ng limang taon.Mild lang din aniya ang side effects nito tulad ng pananakit sa lugar kung saan nabakunahan at maaaring magkalagnat.Sabi naman ni Gundo Weiler, Country Representative ng WHO na wala silang kapangyarihang magdikta sa isang bansa na gamitin o hindi ang isang bakuna.Giit pa ni Garin, tama lang ang presyo ng gamot dahil kabilang na rito ang vaccine, mga syringe pati na rin ang training ng mga vaccinator o yung mga magbabakuna.Dagdag pa nito, ang pre-qualification ay ibang pag-aaral ng WHO na magtatagal pa ng dalawa hanggang tatlong taon.
Pagiging Ligtas Ng Dengue Vaccine Na Ibinigay At Ibibigay Pa Ng Dept. Of Health Sa Mga Piling Grade 4 Students – Kinuwes
Facebook Comments