Pagiging maagap sa mga kalamidad at sakuna, iginiit ng isang senador

Iginiit ni Senator Ramon “Bong” Revilla ang pagiging maagap ng bansa sa mga kalamidad at sakuna upang mabawasan ang risk o pinsalang maaaring idulot sa bansa.

Kaugnay ito sa 7.8 magnitude na lindol na yumanig at nagiwan ng malaking pinsala sa mga bansang Syria at Turkey.

Sa kanyang privileged speech ay nagpaabot ng pakikisimpatya at panalangin ang senador para sa mga biktima ng malakas na lindol.


Sa patuloy na paglala ng pinsala at pagtaas pa ng mga nasawi sa lindol, hindi naman maiwasan ni Revilla na maalarma sakaling sapitin ng Pilipinas ang parehong kapalaran lalo’t ang bansa ay nasa geographic location kung saan ang Pacific Ring of Fire.

Ipinunto ng mambabatas na hindi sapat ang “medyo” handa lang sa anumang sakuna kundi mahalaga rin na handa ang buong bansa para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Hindi naman aniya maitatanggi ang pagiging resilient ng mga Pilipino kahit ano pang trahedya o delubyo ang tumama sa bansa subalit importante aniyang handa at nakaalalay agad ang pamahalaan para sa muling pagbangon ng mamamayan.

Dahil dito, itatakda at pangungunahan ni Revilla, chairman ng Public Works, ang pagdinig patungkol sa pagpapakilos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa lahat ng Local Government Units (LGUs) na magsagawa ng agarang audit at review sa mga nakatayong gusali at istruktura na kanilang nasasakupan.

Facebook Comments