Pagiging mabusisi sa pamimili, paalala ng DTI sa harap nang naglipana pa ring uncertified products

Maging mabusisi sa mga binibiling produkto.

Ito ang mahigpit na paalala ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamimili.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DTI Underscretary Ruth Castelo na marami pa rin ang naglilipanang mga pekeng produkto o mga uncertified products.


Partikular ang mga gulong ng motorsiklo, interior part, gulong ng kotse, bakal, yero, plywood at hollowbacks.

Napepeke na rin aniya ang mga appliances sa bahay gaya ng telebisyon, rice cooker at electronic tea pot.

Payo ni Castelo sa mga consumers, bumili sa mga tindahan na may certification ng DTI, dapat aniyang may nakadikit na sticker sa biniling produkto at kung ito naman ay import commodity dapat ay may clearance na nahihingi sa seller dahil ito aniya ay iniisyu ng Bureau of Philippine Standards (BPS) sa mga nagtitinda.

Kung mayroong namang application ng Import Commodity Clearance (ICC) verification na nakadownload sa cellphone maaring i-scan lamang ang stickers sa produkto at malalaman na kung peke ang nakadikit na stickers sa isang produkto.

Facebook Comments