Wala nang pangangailan para isabatas ang pagiging mandatory ng pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil na rin sa pananatili ng kalayaan ng mga Pilipino na magdesisyon para sa kanilang sariling kalusugan.
Pero, habang tumatagal, lumilinaw aniya ang sinasabi ng siyensya, datos, at mga pag-aaral na ang COVID-19 vaccines ay malaki ang naitutulong para sa pagbibigay proteksyon sa publiko laban sa COVID-19.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit muling pagtutulungan ng mga tanggapan ng gobyerno kabilang na ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Department of Interior and Local Government (DILG), ang muling pagsusulong ng malawakang kampaniya para sa pagpapabakuna at pagpapaturok ng booster dose laban sa COVID-19.