Pagiging mapagbigay at mabuti sa kapwa, panawagan ni PBBM ngayong Holy Week

Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang publiko na huwag kalimutan ang totoong kahulugan ng Semana Santa.

Ayon kay Pangulong Marcos, patuloy sanang ipalaganap ang kabutihan at pagiging mapagbigay sa kapwa.

Ang Semana Santa aniya ay paggunita sa pagmamahal, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus at panahon ng pagninilay-nilay.


Hinimok din ng pangulo ang publiko na ipagpasa-Diyos ang mga mithiin at mga pangangailangan.

Hangad pa ng pangulo na mabuhay ang kaliwanagan sa puso ng bawat isa ngayong panahon ng kuwaresma.

Facebook Comments