Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine National Police (PNP) ang pagkakaroon ng mapayapang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 2025.
Isa ito sa mga tinalakay ng Pagulo sa ikalawang Joint National Peace and Order Council Meeting 2024 sa Kampo Crame.
Ayon sa Pangulo, ang pagdaraos ng electoral process sa BARMM ang susi sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Bukod dito, tinalakay rin ng Pangulo sa pulong ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Muli nitong iginiit ang pangangailangan ng pagtalima sa mga hakbang na hindi na magpapataas pa ng tensyon sa rehiyon.
Matatandaang nanindigan ang Pangulo na hindi magdi-deploy ng Navy warships ang Pilipinas sa rehiyon, sa kabila ng panibagong insidente ng pangha-harass ng China dahil ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsusulong ng mapayapang resolusyon sa mga hindi pagkakaunawaan sa rehiyon.