Pagiging matalino at mapili sa pagboto, ipinaalala ng isang obispo kasabay ng nalalapit na 2022 election

Nagpaalala sa publiko si Balanga Bishop Ruperto Santos kasabay ng nalalapit na pagdaraos ng 2022 national election.

Ayon kay Bishop Santos, dapat maging matalino ang publiko sa pagboto at gamitin ng tama ang kanilang konsensiya para pumili ng susunod na lider ng bansa.

Nakasalalay rin sa desisyon ng mga Pilipino ang kalalabasan ng Pilipinas sa mga susunod na taon kaya hindi dapat gawing padalos-dalos ang desisyon.


Kasabay naman nito, hinimok pa ng obispo ang publiko na piliin ang politikong naniniwala, taos-puso at matatag ang pananalampalataya sa Diyos.

Sa pagtatapos ng araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate on Nomination and Acceptance (CONA) kahapon, ang bilang ng mga kandidatong naghain ng pagkandidatura ay;

97 – Presidentiables
29 – Vice Presidentiables
176 – Senators
270 – Party-list Nominees

Facebook Comments