Pagiging matatag at positibo sa gitna ng mga hamon sa buhay, mensahe ni PBBM ngayong Holy Week

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng Pilipino sa pag-obserba sa Semanta Santa.

Sa kaniyang opisyal na mensahe, sinabi ng Pangulo na ang linggong ito ay isang pag-alala sa lahat ng malasakit, sakripisyo, at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ayon sa Pangulo, tulad ni Hesus, ay manatili sanang matatag at positibo sa buhay ang mga Pilipino sa gitna ng mga hamon na siyang huhubog sa atin na maging mabuting tao.

Magsilbing inspirasyon rin aniya sana ang pagsasakripisyo ng Panginoon, at ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.

Umaasa rin si Pangulong Marcos Jr. na magiging makabuluhan ang obserbasyon ng Semanta Santa ng bawat Pilipino.

Facebook Comments