PAGIGING NON-PARTISAN NG MGA GOVERNMENT EMPLOYEES, IGINIIT

Iginiit ng Civil Service Commission at Commission on Elections na dapat hindi masangkot ang Isang Empleyado ng gobyerno sa sa anumang aktibidad na may kinalaman sa pangangampanya ng mga kandidato.

Base sa inilabas na regulasyon ng mga nabanggit na tanggapan, bawal masangkot ang sinumang empleyado sa mga partisan political activities, tulad na lamang ng pamimigay ng mga leaflets, o ‘di naman ang pakikiisa sa mga caucus o sorties.

Sa bayan ng Mangaldan, pinabulaanan ng lokal na pamahalaan ang umano’y pagkakasangkot sa mga empleyado nito sa di umano’y pangangampanya umano ng Isang Empleyado ng gobyerno sa Isang kandidato, base na rin sa inilabas na executive order ng bayan.

Ayon sa COMELEC Region 1, may executive order man o wala ay mahigpit pa rin itong ipinagbabawal sa mga empleyado ng gobyerno.

Gayunpaman, exempted naman ang mga job order at contract of service employees pero sa labas lamang ng kanilang working hours. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments