Pagiging Punong Abala ng Lungsod ng Cauayan sa CAVRAA 2019, Iniurong!

Cauayan City, Isabela – Iniurong na sa taong 2020 ang pagiging punong abala ng lungsod ng Cauayan sa gaganapin sanang Cagayan Valley Regional Athletic Association o CAVRAA meet 2019.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Engr. Arnel Lagayan ng Cauayan City sa isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga.

Ayon kay Engr. Lagayan, hindi umano sapat ang kanilang oras at panahon upang tapusin agad ang ipinapatayong Sports Complex ng Cauayan City na nagkakahalaga ng nasa 300 milyon pesos sa may barangay Tagaran kung saan ay dito sana gaganapin ang CAVRAA Meet sa susunod na taon.


Aniya, iniurong sa taong 2020 ang pagiging host ng lungsod ng Cauayan upang mas lalong mapaghandaan at magiging maayos ang gaganaping palaro.

Pansamantala munang magiging punong abala ang Provincial Government ng lalawigan ng Isabela para sa CAVRAA 2019.

Facebook Comments