Nananawagan si National Police Commission Commissioner Vitaliano Aguirre sa hanay ng Philippine National Police (PNP) na mas maging reliable at trustworthy.
Ginawa ni Aguirre ang panawagan sa kanyang talumpati sa Camp Crame bilang guest of honor and speaker sa pagdiriwang nang ika-30th founding anniversary ng PNP ngayong araw.
Aniya, ngayong maraming kinakaharap na pagsubok ang bansa at maging ang buong mundo ay kinakailangan ng mapagkakatiwalaang mga indibidwal sa bansa lalo na’t mula sa PNP.
Kaya naman sa mismong talumpati ni Aguirre, pinatayo niya ang mga dumalong pulis sa selebrasyon at nagsagawa ng pledge of commitment para sa patuloy na tamang daan at mas mapataas pa ang moral ng mga pulis.
Sinabi ni Aguirre, hindi niya kakayanin mag-isa ang pamamalakad ng maayos sa PNP kailangan aniya ng suporta ng lahat ng PNP officers.
Samantala, inalala naman ni PNP Chief General Debold Sinas sa pagdiriwang ng ika-30th foundation day ng PNP ang 28 pulis na naging infected at namatay dahil sa COVID-19.
Aniya, magsilbi sanang inspirasyon sa lahat ng pulis ang kanilang pagkamatay ngayong may COVID-19 pandemic.
Nagpasalamat naman si Sinas sa lahat ng indibdiwal at ahensya ng gobyerno ma tumutulong sa PNP para sa kanilang anti-criminality program, anti-illegal drugs, anti-terrorism campaign laban sa pagkalat ng COVID-19.