Cauayan City – Ngayong muli nanamang sumapit ang panahon ng tag-ulan, nagpaalala ang Alkalde ng Lungsod ng Cauayan kaugnay sa pagiging responsable pagdating sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod ng Cauayan.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Cauayan City Mayor Hon. Caesar “Jaycee” Dy Jr., sinabi nito na sa nakalipas na ginawang paglilinis sa nasasakupan ng lungsod ng Cauayan, samu’t-saring mga plastic nanaman ang kanilang nakuha lalo na sa mga drainage canals.
Sinabi nito na kinakailangan nila ng tulong ng mga residente pagdating sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod dahil hindi kakayanin ng LGU Cauayan na mapanatili ang kalinisan sa lungsod na sila lamang ang gumagalaw.
Nakikiusap ito sa lahat ng mga Cauayeños na makipagtulungan sa kanila upang masiguro na sa panahon ng tag-ulan ay hindi na muling makakapagtala ng pagbaha dahil sa mga naipong basura sa mga daluyan ng tubig.