Posibleng mas maagang maabot ng Pilipinas ang target nito na maging rice self-sufficient sa 2027.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairperson Rosendo So na unti-unti nang bumabalik sa pagtatanim ang mga magsasaka na tumigil noon matapos na malugi dahil sa mataas na gastos sa produksyon.
Bukod kasi sa pagmura ng presyo ng pataba, nakatulong din ang subsidiya na ibinibigay ng pamahalaan upang makabawi ngayon ng kita ang mga magsasaka.
Dagdag ni So, kung magtutuloy-tuloy ang tulong mula sa gobyerno ay tiyak na lalakas ang lokal na produksyon ng palay sa bansa na kalaunan ay magreresulta ng pagbabawas natin ng importasyon.
Samantala, bunsod ng mababang production cost nitong huling cropping season ay asahan na aniya ang pagbaba ng presyo ng bigas sa Agosto.
Lima hanggang anim na piso ang aasahang bawas-presyo.