Pagiging rice self-sufficient ng Pilipinas, posibleng mangyari sa loob ng dalawang taon, ayon kay PBBM

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na malapit nang maabot ng Pilipinas ang pagiging rice self-sufficient nito sa susunod na dalawang taon.

Ito ay kung magpapatupad ng reorganization ang pamahalaan sa iba’t ibang tanggapan.

Sinabi ito ng pangulo matapos ang pulong kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), at National Irrigation Administration (NIA), kung saan ipinaalam ng mga ito sa pangulo ang kasalukuyang estado ng irrigation system ng bansa.


Sa pagpupulong, inilatag ang timetable para sa mga kung ano ang mga dapat na gawin ng gobyerno para maisakaturapan ang layuning ito.

Ayon sa pangulo, maraming hakbang ang dapat na ipatupad, ngunit batid ng gobyerno kung ano ang dapat na gawin.

Facebook Comments