Pagiging Speaker, hindi isang On-The-Job Training pagpili ng susunod na lider ng kamara malaking hamon sa mga Neophyte Congressmen

Kung mga baguhang kongresista ang tatanungin, crucial ang pagpili sa susunod na Speaker ng 18th Congress.

Ayon kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor , hindi isang On the Job Training (OJT) ang pagiging House Speaker.

Umpisa pa lamang aniya ay dapat taglay na ng kumakandidatong Speaker ang katangian ng isang magaling na lider, pangunahin na dito ang may sapat na experience at competence.


Ang mga katangian na ito ay wala kay  Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang hinahanap na “qualities” maging ng mga Neophyte Congressman sa magiging bagong lider ng Kamara.

Bukod dito, nadadawit din sa suhulan sa kongreso si Velasco para sa speakership na sinasabing pinopondohan ni Business Tycoon Ramon Ang.

Kung si Defensor ang tatanungin at iba pang Neophytes ay sa pagitan lamang umano nina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang angat para maging susunod na House Speaker dahil sa lalim na ng mga ito sa pulitika at sa lehislasyon.

Facebook Comments