MANILA – Binatikos ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang Administrasyong Aquino sa pagbibigay ng espesyal na pagtrato kay Dept of Transportation and Communicaitons o DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya.Tanong ni Cayetano sa Pnoy Admin, Bakit masyadong espesyal si Abaya at hindi ito kayang sibakin gayong hindi matatawaran ang kawalan ng kakayahan nitong gampanan ng maayos ang kanyang tunkulin.Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng limang oras na blackout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) o Terminal 3 nitong Sabado ng gabi na nag-resulta sa pagka-delay at cancellation ng maraming domestic at international flights kung saan may mga ninakawan pang pasahero..Dagdag pa aniya dito ang iba pang mgq kapalpakan tulad ng special screws, overcharging ng ‘di na-ideliver na mga sticker, late license plates at kawalan ng available na driver’s licenses, madalas na pagkasira ng MRT, pag-abandona ng license plates sa Customs, ninakaw na plate sheets, at ngayon ang airport blackouts.Giit ni Cayetano, dapat ay sibakin na na si Abaya dahil ang kapalpakan niya ay patuloy na nagpapahiya sa atin sa international community.
Pagiging Spesyal Ni Sec Abaya, Binatikos Ng Isang Senador
Facebook Comments