Pagiging stable at mura ng presyo ng kuryente, inaasahan ni PBBM dahil sa expanded development ng Malampaya gas field

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas magiging stable at mura ang kuryente kasunod ng expanded development ng Malampaya gas field at paghahalo ng imported liquified natural gas (LNG).

Ito ay matapos itong makipagpulong sa mga kinatawan ng Prime Energy Resources Development B.V., (Prime Energy) sa Malacañang kung saan kabilang sa mga napag usapan ang exploration at development ng indigenous gas prospects, produksiyon ng liquified natural gas, pagpapalawak ng gas market at iba pa.

Sa ulat ng Prime Energy, aarangkada na sa huling quarter ng susunod na taon ang drilling o paghuhukay nila ng dalawang deep wells habang ang karagdagang production naman mula sa Malampaya field ay magsisimula sa unang bahagi ng taong 2026.


Nilinaw naman ng Prime na ang import liquified natural gas ang pupuno sakaling kapusin ang Malampaya gas.

Samantala, welcome development din para kay Pangulong Marcos ang pagtatakda ng drilling schedule ng kompanya na nakapaloob sa Malampaya Service Contract 38.

Tiwala ang presidente na ang mga hakbang na ito ang magsisilbing susi sa sinasabing problema sa suplay ng enerhiya sa bansa.

Facebook Comments