Pagiging state witness ng taxi driver na si Tomas Bagcal sa kaso ng pagpatay kay Kian Delos Santos, malabo na raw

Manila, Philippines – Tuluyang lumabo ang posibilidad na maging state witness si Tomas Bagcal, ang taxi driver na nagsasabing hinoldap siya ni Carl Arnaiz.

Ayon kay Public Attorney’s Office chief Persida Acosta, naging consistent na si Bagcal sa paiba-iba niyang pahayag kaya wala na talagang pag-asa na maging state witness ito.

Sa October 10 naman nakatakda ang unang preliminary investigation sa Department of Justice sa kaso ng pagpatay kina Arnaiz at sa isa pang teenager na si Reynaldo de Guzman.


Una nang kinasuhan sa DOJ ng double murder at paglabag sa anti-torture law ang mga pulis ng Caloocan na sangkot sa pagpatay kina Arnaiz at de Guzman.

Facebook Comments