Pagiging tapat, isa sa kailangan bilang isang lider ayon kay Vice President Leni Robredo

Iginiit ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo na mahalaga ang katapatan para sa isang nais mamuno sa bansa.

Sa grand rally ng Robredo-Pangilinan tandem na ginanap sa Naga City, sinabi ni Robredo na dapat palaging totoo ang sinasabi ng isang pangulo at sumusunod sa lahat ng mga patakaran.

Dapat din aniyang maging isang ehemplo ang lider sa pagiging huwaran at pagtatakwil ng palakasan at dapat umanong managot ang lahat ng mga nanloloko sa taumbayan at nananamantala ng kanilang kapangyarihan.


Ayon pa kay Robredo, kumpiyansa siyang pipiliin ng mga botante ang kaniyang tapat na pamumuno na palaging handang makinig sa taumbayan.

Facebook Comments