Pagiging testing ground ng Brazil para makahanap ng mabisang gamot laban sa COVID-19, pinaburan ng ilang eksperto

Pabor ang ilang eksperto mula sa iba’t-ibang unibersidad sa Brazil sa pagiging testing ground ng bansa para makahanap ng mabisang gamot laban sa COVID-19.

Ayon kay Margareth Dalcomo researcher mula sa Fiocruz, angkop ang Brazil para maging isang testing ground dahil laganap pa ang virus sa bansa at nagtataglay rin ito ng iba’t-ibang katangian ng virus.

Sang-ayon din dito si Sue Ann Costa Clemens, isang researcher mula sa Federal University of Sao Paulo (UNIFESP) dahil hangga’t mataas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng virus sa lugar, dito mas mapapatunayan kung epektibo ang gamot na gagamitin.


Kasabay nito, nakatakda namang gumawa ng plant-based covid-19 ang pinakamalaking vaccine-maker sa mundo na glaxo-smith-kline (GSK).

Kasama ng Canadian Biopharmaceutical Company ang Tobacco Company na Philip Morris para makagawa ng nasabing bakuna.

Umaasa naman ang dalawang kumpanya na makakagawa na sila ng bakuna sa unang quarter ng 2021.

Sa ngayon, higit 1.6 milyon na ang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa brazil kung saan higit isang-milyon ang naka-rekober at 543,535 ang nasawi.

Facebook Comments