Pagiging tuta ng gobyerno ng Pilipinas, nais wakasan ng ilang grupong nagsagawa ng kilos-protesta ngayong Araw ng Kagitingan

Nais nang tuldukan ng ilang grupo ang pagiging tuta ng gobyerno ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Ito ang naging panawagan nila kasunod ng isinagawang kilos-protesta at noise barrage sa harapan ng Konsulada ng China ngayong Araw ng Kagitingan.

Ayon kay Mong Palatino, Secretary General ng Bayan Muna, dapat umanong tuligsain ang pagpasok ng China sa maritime territory ng bansa at paulit-ulit na panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino maging sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.


Sa kabila nito, iginiit ni Palatino na ang lehitimong paglaban sa China ay hindi nangangahulugan na dapat mapaligiran ang bansa ng foreign military build up o ‘recolonization’ at latagan ang bansa ng American military facilities.

Samantala, kinondena rin ng grupo ang mga sangkot sa pagpapagana ng genocide sa Palestine na nagpapakumplikado sa buong rehiyon sa nagpapatuloy na sigalot ng China at United States.

Facebook Comments