Pagiging wais at matalinong mamimili, Muling ipinaalala ng DTI-Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Muling pinaalalahanan ng DTI-Isabela ang lahat ng mga mamimili kung paano maging wais at maging matalino pagdating sa pamimili ng mga produkto.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Serafin Umoquit, ng Trade and Industry Development Specialist-Isabela na dapat suriing mabuti ang mga kalidad ng mga binibiling produkto sa mga pamilihan maging sa mga iniaalok na serbisyo.

Bukod umano sa pagiging alerto, mapagmasid, at aktibong mamimili ay dapat rin umanong huwag hayaan ang mga ginagawang panlilinlang ng mga nagbebenta pagdating sa kanilang timbangan.


Dapat sinusuri umano ng mga LGU’s ang timbangan ng mga nasa pamilihan upang Makita kung tama ang kanilang mga ginagamit na kiluhan at kung dumaan ito sa calibration ng DTI.

Dagdag pa niya, patuloy pa rin ang kanilang adbokasiya para sa proteksyon ng mga mamimili sa pamamagitan ng kanilang isinasagawang symposium sa mga paaralan upang mabigyan ng kaalaman at maipaalam ang mga karapatan bilang isang mamimili.

Facebook Comments