Kaisa ng mga mambabatas ang Palasyo na nagpahayag ng pagkadismaya sa pagkaantala sa paglalabas ng financial assistance sa mga medical health workers na tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatakda niyang talakayin ang naturang usapin kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Roque, na tatanungin niya ang pangulo kung ano ang mandato nya hinggil dito dahil kung matatandaan na maraming nakatenggang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba’t ibang quarantine facilities.
Naghihintay na lamang aniya ito ng kanilang PCR test result na unang nang binigyan ng mandato ng Pangulo na pauwiin ang mga ito sa loob ng isang linggo.
Paliwanag ni Roque, inaasahan nyang magbibigay ulit ng ultimatum si Pangulong Duterte hinggil sa pagbibigay ng death benefits at iba pang benepisyo sa mga apektadong frontliners.
Matatandaang ilang senador ang nagpahayag ng pagkadismaya matapos matuklasang wala ni isang health worker na tinamaan ng covid 19 ang nakatanggap ng sickness and death benefit na nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act.
Sa pinaka huling datos ng Department of Health (DOH), umaabot sa 2,669 mga health workers ang COVID-19 positive, 32 ang naitalang nasawi habang nasa 1,438 ang nakarekober.
Bukas, inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulong kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF).