Ibinabala ni Committee on Economic Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang posibleng pagbagal sa galaw ng ating ekonomiya.
Paliwanag ni Gatchalian ito ang maaring idulot ng pagka-delay sa paggamit sa 2019 budget.
Ang pahayag ni Gatchalian ay sa harap ng kabiguan na maisumite agad sa Malacañang ang 2019 budget para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Gatchalian, noong nakaraang taon ay nasa 6% level lamang ang iniusad ng ating ekonomiya.
Sabi ni Gatchalian, pwedeng bumaba pa ito kapag hindi pa naisakatuparan ang mga infrastracture projects na ang pondo ay nakapaloob sa 2019 budget.
Facebook Comments