Pagka-delay sa pagtatayo ng New Senate Building, magpapataas lalo sa gastos ng Senado

Nagbabala si Senator Nancy Binay na mas mapapalaki ang gastos sa ipinapatayong New Senate Building (NSB) kung made-delay ang konstruksyon ng gusali.

Ayon kay Binay, hindi siya natatakot sa isyu ng iregularidad at mas nangangamba pa siya na mabinbin ang pagtatapos ng building.

Kung patatagalin ay magbabayad na naman ang Senado ng ₱400 million sa Government Service Insurance System (GSIS) para sa renta gayong maituturing na itong pagsasayang ng salapi dahil bibili na naman ng mga nasisirang kagamitan na dapat sana’y mas ipinupundar na sa bagong gusali.


Samantala, makipagpupulong naman si Binay ngayong linggo kina Senate President Chiz Escudero at Senate Committee on Accounts Chairman Alan Peter Cayetano para pag-usapan at maidetalye ang konstruksyon ng NSB.

Kasama rin aniya si dating Senator Panfilo Lacson sa iimbitahan niya para sa isang pulong upang mabigyang linaw ang mga isyung lumabas kaugnay sa ipinapagawang bagong gusali ng Senado.

Facebook Comments