Pagka-disqualify ni Vice President Leni Robredo sa 2022 elections, fake news – Comelec

Pinabulaanan ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez ang kumakalat na impormasyon sa social media na hindi kwalipikado si Vice President Leni Robredo sa 2022 elections.

Ayon kay Jimenez, walang katotohanan ang mga kumakalat na video at articles tungkol sa pagiging kwalipikado sa eleksiyon ng pangawalang pangulo.

Ito ay dahil hindi pa opisyal ang listahan ng mga kakandidato.


Inaasahang ilalabas ng Comelec ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa 2022 elections pagsapit ng buwan ng Disyembre.

Sa ngayon, iminungkahi na ni Jimenez ang pagbuo ng bagong batas upang malimitahan ang pangangampanya ng mga kandidato sa social media na inaasahang magaganap lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa

Facebook Comments