Pagkaantala ng voters’ list, hindi makakaapekto sa araw ng halalan

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi makakaapekto sa mismong araw ng eleksyon ang pagkaantala ng voters’ list.

Ito ay matapos ilipat ng Marso 29 mula Pebrero 8 ang paglalabas ng COMELEC sa listahan ng mga botante na makakaboto sa Mayo.

Ayon kay COMELEC Director Elaiza David, kailangan pa kasing dumaan sa proseso ng paglilinis ang listahan.


Aniya, kailangang matiyak na walang doble o multiple registration ang isang botante at kailangan rin maalis ang mga botante na namayapa na.

Base naman sa datos ng COMELEC, pinakamarami pa ring botante ay nagmula sa age group na 30 hanggang 59 years old.

Facebook Comments