Pagkaaresto sa mataas na lider ng komunistang grupo sa Mindoro, makakahadlang sa panggugulo ng NPA sa BSKE

Kinikilala ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang matagumpay na operasyon ng mga pulis at partner law-enforcement agencies sa Taguig City na nagresulta sa pagkakaaresto ng mataas na lider ng komunistang grupo sa Mindoro.

Ayon kay Acorda ang suspek na si alyas na “Yvonne” ay myembro ng sub-regional area 4B o Islacom Mindoro/ Lucio de Guzman Command ng Southern Tagalog Regional Party Committee ay wanted sa patong-patong na kaso kabilang ang murder, multiple murder, attempted murder, multiple frustrated murder at theft; at isa sa most wanted person sa Joint PNP-DILG na may P280,000 patong sa ulo.

Aniya, ang pagkaka-aresto dito ay malaking dagok sa plano ng mga teroristang komunista na manggulo sa nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections sa Oktubre.


Facebook Comments