Magiging oportunidad para sa pamahalaan na hikayatin ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 matapos lumabas ang survey na mayorya ng mga Pilipino ang nangangambang matamaan ng sakit.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 89% ng mga Pilipino adults ang takot magkasakit ng COVID-19.
Sa positibong perspektibo, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maraming tao pa rin ang nagsasabing ang COVID-19 ay nananatiling banta sa kalusugan kaya mahalagang mahimok sila na magpabakuna.
Ang mabakunahan at pagsunod sa minimum public health standards ay makakatulong para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Nabatid na umabot na sa 5.1 million ang nagamit na COVID-19 vaccines sa bansa at nasa higit 1.2 million ang nakakumpleto ng second dose.