Pagkabahala sa isyu ng human rights violations at pagtutol sa death penalty, idinulog ng EU parliamentarians sa liderato ng Senado

Manila, Philippines – Nag-courtesy call ngayong hapon kay Senate President Koko Pimentel ang apat na miyembro ng European Union o EU parliamentary.

Tinalakay nila kay Senator Koko ang pagkabahala sa sitwasyon ng human rights hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, tumataas na kaso ng pagpatay at ang kanilang pagtutol sa death penalty.

Sabi naman ni Senate President Koko Pimentel, nagpag-usapan din sa pagharap niya sa mga delegado ng European Union ang posibleng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at EU sa larangan ng pagpapabuti ng justice system at palitan ng impormasyon kontra terorismo.


Ayon kay Pimentel, nauunawaan naman ni Pimentel ang, bagamat hindi direkta, ay pagpapahiwatig ng EU parliamentarians ng kanilang pagtutol sa death penalty.

Wala kasi aniyang umiiral na death penalty law sa alinmang miyembro ng European Union.

Facebook Comments