Pagkabawas ng alokasyon ng libreng bakuna mula sa COVAX facility, hindi makakaapekto sa supply ng bansa – Galvez

Tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na hindi magkakaroon ng problema ang Pilipinas sa supply ng bakuna.

Ito ay matapos na mabawasan ang alokasyon na libreng bakuna para sa bansa mula sa COVAX facility.

Ayon kay Galvez, maaari pa rin namang makabili ang gobyerno ng karagdagang supply ng bakuna sa tamang presyo.


Napag-alamang inihayag ng COVAX facility na sa bakunang ilalaan nila para sa bawat 20% ng populasyon ng bansa ay 15% lamang dito ang libre habang babayaran ang natitirang limang porsyento.

Sinabi rin ng Department of Health na may nakalaan nang pondo sa pagbili ng 5% ng bakuna sa COVAX.

Facebook Comments