Pagkabigo ng PNP na maresolba ang pagkawala ng 31 na mga sabungero, malaking sampal sa PNP ayon kay Sen. Lacson

Naniniwala si presidential candidate Senador Panfilo Lacson na isang malaking hamon sa Pambansang Pulisya ang pagkawala ng 31 na mga sabungero.

Sa kanyang opening statement sa isinagawang imbestigasyon ng Senado sa mga nawawalang sabungero, sinabi ni Lacson na isang malaking hamon sa PNP at sa buong law enforcement community ang pagkawala ng mga ito.

Paliwanag ni Lacson, ang pagkabigo na maresolba ang naturang kaso ay malaking sampal at kahihiyan sa hanay ng Pambansang Pulisya.


Umaasa si Lacson na sa pamamagitan ng naturang imbestigasyon ng Senado ay matutulungan na malutas ang naturang usapin sa pagkawala ng maraming mga sabungero kung saan mayroong balitang ilang mga sabungero ang natagpuang patay noong Pebrero 12 sa Tanay, Rizal na tadtad ng mga tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Facebook Comments