Pagkabit ng Christmas Decors gawing ligtas-BFP Cotabato

Pinaaalalahanan ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cotabato City ang publiko ng dobleng pag- iingat lalong lalo na sa pagkakabit ng mga christmas decorations kasabay ng papalapit na pagdiriwang kapaskuhan.

Pinag iingat rin ng BFP ang lahat lalo na sa pagbili ng mga Christmas Ligths na siguraduhing ligtas ayon pa kay City BFP Spokesperson FO1 Aldrin Narra.

Partikular na dapat na tandaan ng publiko na ang dapat na bilhing gamit ay hindi sub-standard, tulad ng mga nabibili lamang sa murang halaga dahil kara­mihan sa mga ito ay mga peke at hindi dumaan sa tamang pagsusuri ng Department of Trade and Indusrty (DTI) at kung may Import Commodity Clearance (ICC) na nakamarka bilang patunay na ito ay tumutugon sa standards at ligtas na gamitin.


Maging responsable rin aniya sa pagamit ng kuryente layun nito ay upang makaiwas sa pinsalang hatid ng sunog dagdag pa ni FO1 Narra sa naging panayam ng RMN COTABATO.

Facebook Comments