Pagkadakip kay Alice Guo, inaasahang simula ng pagtukoy at pagpanagot sa mga nasa likod ng mga krimen at ilegal na gawain na konektado sa POGO

Nagpa-abot ng pasasalamat si CIBAC partylist Rep. Bro Eddie Villanueva sa mga awtoridad na nagtulong-tulong upang tuluyang maaresto si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo sa Jakarta, Indonesia.

Kaugnay nito ay nananawagan ng panalangin si Villanueva na may magandang ibunga ang pagkadakip kay Guo.

Umaasa si Villanueva na ang pagkakahuli kay Guo ay magiging simula ng paraan matukoy at mapanagot ang mga taong responsable sa mga krimen at iligal na gawain kaugnay sa operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.


Hangad in ni Villanueva na ang pagkadakip kay Guo ay magbibigay linaw sa mga kurapsyon at iligal na gawain na nagbigay ng daan upang mamayagpag ang mga POGO sa ating bansa at magdulot ng pinsala sa ating sa ating lipunan.

Facebook Comments