Pagkadakip sa dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf, walang epekto sa seguridad sa Metro Manila

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na walang epekto sa seguridad sa Metro Manila ang pagkakaaresto sa dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Kinilala ang mga nadakip na sina; Taupik Galbun a.k.a “Pa Wahid,” at Saik Galbun a.k.a “Pa Tanda” sa isinagawang operasyon sa Sitio Imelda, Upper Bicutan sa Taguig City nitong Sabado.

Ayon kay Eleazar, wala silang nakikitang banta sa terorismo sa Metro Manila.


Habang patuloy naman ang imbestigasyon sa pagkakaaresto sa dalawang miyembro umano ng Abu Sayyaf sa Taguig at inaalam pa ng mga imbestigador kung bakit narito sa NCR ang mga suspek.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng District Special Operations ang dalawang suspek.

Facebook Comments