Pagkadelay ng Irrigation Projects, pinapa-imbestigahan ng isang Senador

Pinapa-imbestigahan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagkadelay ng bilyun bilyong pisong halaga ng Irrigation Projects.

Diin ni Recto, napakahalaga ng irigasyon sa mga pananim sa buong bansa para matiyak ang sapat na pagkain para sa mamamayan.

Basehan ng resolusyon ni Recto ang report ng Commission on Audit o COA na mula 2009 hanggang 2019 ay umaabot sa P260 Billion ang pondong naibigay sa National Irrigation Administration o NIA.


Pero sa datus na nakarating kay Recto ay pumapalo lang sa 1.63 percent ang completion rate nito kada taon.

Ayon kay Recto, target ng pagdinig na matulungan ang NIA na mapabilis ang pagtapos sa mga irrigation projects na labis na kailangan ng mga magsasaka.

Facebook Comments