Pagkadismaya sa asal ni Vice President Sara ng humarap sa budget hearing, inilahad sa plenaryo ng Kamara

Sa pamamagitan isang privilege speech ay inilahad ni Manila 2nd District Representative Ronaldo Valeriano ang pagkadismaya sa aniya’y kabastusan at hindi nararapat na asal na ipinakita ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay sa kanyang naging pagharap sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations para sa panukalang pondo ng Office of The Vice President (OVP) sa susunod na taon kung saan tumanggi itong sagutin ang tanong ng mga kongresista.

Narito bahagi ng talumpati ni Representative Valeriano sa plenary session ng Kamara.


Samantala, hinggil dito ay binigyang diin naman ni Manila 3rd District Representative Joel Chua na sa budget hearing ay nakita ang tunay na kulay ng ikalawang pangulo na isang entitled brat.

Dismayado si Chua na ang ikalawang pangulo ay palaban, umiiwas sa pagbusisi sa budget ng kanyang tanggapan lalo na ang tungkol sa paggastos nito sa confidential funds, walang respeto sa mandato ng Kamara na itinatakda ng konstitusyon at ayaw makipagtulungan sa pagsusuri sa pera ng taumbayan.

Giit ni Chua kay VP duterte, mali ang paniniwala nito na sya ay nakahihigit sa batas, at kongreso at hindi saklaw ng konstitusyon.

Facebook Comments