Cauayan City, Isabela- Pinatotohanan ng dating kasamahan ng naarestong finance officer na si Amanda Echanis ang totoong gawain nito sa rebeldeng grupo bago pa man tuluyang maaresto ng mga otoridad ng isilbi sa kanyang bahay ang search warrant sa Brgy. Carupian, Baggao, Cagayan.
Ayon kay Ivy Lyn Corpin, ang paninirahan ng isang miyembro ng NPA sa isang komunidad ay paraan aniya upang pagtakpan ang kanilang organizer at iba pang kasapi ng NPA para maipahayag ang kanilang legal na katangian.
Hinalimbawa nito ang nangyaring pagsilang ng sanggol ni Echanis sa nasabing lugar na paraan upang magkaroon ng tabing o tinatawag na ‘prente’ partikular ang pagtira sa ibang bahay ng suspek upang mabigyan ng oryentasyon ang mga taong tutuluyan niya at maibigay din sa kanya ang prente hanggang sa matunton ito at mahuli ng mga otoridad.
Giit pa ni Corpin, nagsimulang maging miyembro ng NPA si Echanis taong Agosto 2015 hanggang sa nagdesisyon itong pumasok sa yunit ng mga rebelde sa Cagayan para makiisa sa pagdaraos ng anibersaryo ng rebeldeng grupo taong Disyembre 2014.
Bago ito, naging organizer din ito para himukin ang mga estudyante sa komunidad at kumakatawan sa grupong Kadamay hanggang ng sumampa ito sa Cagayan ay direkta na itong kabilang sa armadong grupo.
Nabatid na naging political guide ng mga squad si Echanis hanggang sa naging finance officer ito ng West front ng Danilo Ben Command na kumikilos sa Cagayan.
Kwento pa niya, ang sanggol ni Echanis ay anak ng isa ring miyembro ng NPA na kabilang sa Top Most Wanted sa Cagayan na si Raymund Guzman o mas kilala sa alyas na ‘Ka Bloody’.
Ang nangyaring pagkakahuli sa suspek na sinasabing organizer ay taktika lang umano para ipaglaban ang legalidad sa kabila ng dumaan naman sa tamang proseso ang pagkadakip sa kanya.
Sinasabi namang nasa liblib na barangay ng bayan ng Baggao si Echanis ay bilang community organizer ng mga magsasaka at kababaihan na tumutuloy lamang sa bahay ng nagngangalang Isabelo Adviento o kilalang si ‘Buting’ na Regional Chairman ng Anakpawis at Kagimungan.
Ang usapin naman ng pagtatanggi umano ni Isabelo Adviento na hindi niya kilala si Echanis ay paraan din upang iligaw sa totoong katauhan nito bilang isang miyembro ng NPA.
Matatandaan na nagbigay aniya ng walong (8) matataas na kalibre ng baril at granada ang noo’y kasapi ng NPA na si Corpin para magamit na pampasabog sa mga gilid ng daan.
Magugunita naman na kasamahan ni Corpin ang gumawa sa pang-aambush sa mga otoridad sa isang barangay sa Baggao.
Hinimok naman nito ang mga magulang at kabataan na umiwas na magpalinlang sa mga rebeldeng grupo at huwag magpauto sa likod ng mga sinasabing legal na organisasyon subalit ang totoo ay nasa likod ang mga ito ng CPP-NPA-NDF.